top of page

Sulat Mula sa Ina ng 'YSAng Atleta'


Nanay Agnes never ceases to touch our hearts with her own heart. Thank you Nanay Agnes for giving yourself to us as well.


"Magandang Araw Ms. Toni Faye Tan, gusto kong magpasalamat ng buong puso sa ibinigay mong sobrang atensyon, pagod, oras at pagmamahal para sa mga bata sa kabila ng pagiging abala mo rin sa iyong pag-aaral.


Salamat sa pagbibigay mo ng importansya na matuto ang aming mga anak hindi lang sa Sports kundi pati narin makipagkapwa-tao, maging mabuting bata at maging magalang sa kanilang mga magulang. Isa kang huwaran [sa] kabataang Pilipino. Gusto ko lang sabihin sayo na mahilig din ako sa Sports [lalo] na [ang] volleyball, at may ilan-ilan din akong iniidolong atleta dahil sa galing nilang maglaro, pero simula ng makilala ko ang isang TONI FAYE TAN nalaman ko na hindi lang pala sa galing ng isang player nagtatapos ang paglalaro.


Naiiba ka kasi ibinahagi mo ang talento at talino mo sa mga batang alam mong may mga pangarap na maging atleta din ngunit walang kakayanang hubugin ito. Dinaig mo ang mga atletang may award na "Best Spiker", "Best Digger", "Best setter", "Player of the Game" at kahit na nag "Season MVP"!


Muli maraming-maraming salamat sayo at sa bumubuo ng YSA at sa napakarami mong kaibigan na tumutulong para sa adbokasiya mo. Mabuhay ka at pagpalain ka pa ng Poong Maykapal! Isa kang Bayani [sa] Kabataang Pilipino!"


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page