A CALL TO FILIPINO ATHLETES!
This is Toni Faye Tan, volleyball player, sports enthusiast and youth sports advocate. I have always wanted to promote youth sports and build an organization not only to enhance Filipino children’s sports skills, but most especially to instill good values into their lives like motivation, discipline, determination, goal-setting, and a whole lot more that sports can offer. I intend to convey this message to all Filipino athletes and share my story. I sincerely believe that we, Filipino athletes, can make a change in our society. UIOGD!
Madalas kong naririnig ang ingay ng mga kabataan na naglalaro sa labas ng aming bahay. Volleyball, basketball patintero at habul habulan. Minsan pa nga ay sinusuway ko sila dahil may mga gabi na hindi ako makapagaral dahil sa ingay ng kanilang halakhakan at sigawan, idagdag mo pa ang talbog ng kanilang nilalarong mga bola.
May 17, 2015, Linggo ng gabi, narinig ko na naman ang ingay ng kanilang halakhan at talbog ng bola. Susuwayin ko dapat sila. Pagtanaw ko sa bintana ay nakita ko ang limang bata, tatlo sa kanila ay naglalaro ng Volleyball at ang dalawa naman ay nagtatawanan habang pinapanood ang kanilang mga kaibigan.
Pinanood ko sila. Ang sakit sa mata dahil hindi sila makabuo ng isang rally, maya’t maya ay naghahabol sila sa pagkalayo layo at dahil ang panget ng talbog ng kanilang mga bola.
Binuksan ko ang aking bintana at sila’y aking tinawag.
Ako: “Bata, bata! Gusto niyo matuto mag Volleyball? Dati akong player sa UP at naglaro ako sa Superliga." Bata1: Sige po! Ngayon na po ba? Ako: Sa Sabado. Bata1: Sige po! Anong oras? Bata2: Mga 11:00 po? Ako: Ang init na nun! Alas syete! Bata2: Tulog pa po kami nun... Bata1: Sige po, 7 ng umaga! Ako: Okay!
Pagkatapos ng aming usapan ay pinanood ko silang muli. Nakita ko sa kanila mga mata na parang ayaw nila gumising ng ganoon kaaga. Feeling ko kasi hindi sila bilib sa kin. Haha. Kaya naisip kong lumabas
ng bahay at ako ay nakipaglaro sa kanila.
Nakipagkilala ako at pagkatapos ay naglaro na kami. Makalipas ang ilang minuto, umalis yung isang bata. Nalungkot ako kasi iniwan niya ko. Haha. Maya maya ay nakita ko na may kasama na siyang dalawa pang bata. At sa mga sumunod na dalawmpung minuto ay napaligiran na ako ng 25 to 30 na mga bata. WOW. Nagulat ako. Hindi ko yon inasahan.
Pinakitaan ko sila ng basics ngunit naisip ko na hindi kasya ang isang bola sa ganong kadaming bata. Kaya naisip ko na lang na kausapin sila. Naupo kami sa gilid ng kalsada. Ang dami nilang tanong tungkol sa Volleyball. Sinagot ko isa isa. Gamit ay bato, gumuhit ako ng court sa kalsada. Tinuro ko sa kanila ang mga posisyon ng players. Nagulat ako na sa murang edad ay kilalang kilala na nila sila Valdez, Santiago, Larazo, Gumabao, Soltones, Daquis at iba pa. Grabe. Napagtanto ko na iniidolo talaga ng mga bata ang mga Volleyball players.
Makalipas ang isang oras ng tanungan, tawanan at biruan, nagdesisyon ako na ituloy sa susunod na Sabado ang kanilang training. Sinabi ko sa kanila na: “Game! Sa Sabado! 7 ng umaga. Gusto ko na nakasapatos kayo at nakatali ang mga buhok niyo."
May 23, 2017. Alas syete ng umaga na ko nagising na para bang nakalimutan ko na ang usapan ko sa mga bata. 7:30, tumingin ako sa labas ng bahay. Hala! May mga bata na akong nakita na naka rubbber shoes! Dali dali akong nagbihis at lumabas ng bahay dala ang pentel pen at mga papel.
Binilang ko sila. Labing dalawa. Hindi ko inakala na may pupunta pala talaga. May mga bata pang dumating ngunit di ko sila pinasali dahil late sila. Gusto kong matutunan nila ang value ng oras. Hahaha.
Pinatakbo ko sila para sa kanilang warm up at ni lead ko ang kanilang unang stretching. Pagkatapos ay kinuha ko ang dala kong papel at pentel pen. Dinrawing ko ang court at tinanong ko muli sa kanila ang mga posisyon ng mga players. Ako’y namangha dahil sa pagturo ko sa posisyon ay sabay sabay nilang sinagot ang “open spiker, middle spiker, utility spiker, setter at libero”. Edi sila na!
Sumunod ay tinuruan ko sila mag receive at dig ng bola. Muli, ang sakit sa mata dahil hindi sila marunong. Nag drills at exercises kami. Paulit ulit kong dinemo sa kanila ang tamang form at ang konsepto ng pag follow through.
Matapos ang isang oras, nakita ko agad ang improvement sa kanila. Ang ganda na ng pagtaas ng bola. Bini-bend na nila yung mga tuhod nila. Bumabalik na ang bola sa kin. Hindi na kami masyadong naghabol ng bola. Nakakatuwa. Gusto kong maiyak. Haha. Tinapos ko ang training. Naupo muli kami sa kalsada para i review ang kanilang mga natutunan para sa araw. Pagkatapos ay kami’y nagpaalam sa isa’t isa at nagpasalamat na may ngiti sa aming mga labi.
Para sa mga atleta na katulad ko, hindi natin kailangan ng court at ng magandang bola para maibahagi natin sa iba ang ating mga natutunan noong kasagsagan ng ating pagiging atleta. Hindi natin kelangan na maging professional para maibahagi ang ating kaalaman. Nakita ko sa mga mata ng mga bata ang kagustuhan nilang matuto. Nakakainis isipin na wala silang means para sumali sa isang team o maghanap ng coach na magtuturo sa kanila. Nakaka frustrate na nasa piling mga lugar lamang ang mga summer camps or training at hindi maabot ang mga batang gipit at hirap sa buhay. Hindi lang skills sa paglalaro ang maaari nating ibahagi sa kanila. Maaari rin nating ituro ang mga bagay na makakatulong sa kanilang paglaki at pagharap sa buhay - tulad ng disiplina, pagkakaroon ng goal, pagiging determinado at iba pa.
To my fellow athletes, I dare you to make a change. I personally wanted to be a coach and organize an organization to promote this. But I realize that I can act now. We can act now. As we grow old, we wouldn't want our skills and knowledge die into waste. We can share it in our everyday lives. Kids idolizes us and look up to us. Specially now that media has become a key player in Philippine sports' success. Kids get inspiration from watching games in tv. I truly and sincerely believe that Filipino athletes can make a change in our society. We have nothing to lose. Let's pay it forward!