BAKIT KAILANGANG MONG GAWIN YAN?
Tanong na hanggang ngayo’y hindi alam kung paano ko sasagutin. Sa totoo lang, mas madali pang alamin kung bakit walang amoy ang kulangot kapag nasa loob pa ito ng ilong at mayroon kapag nailabas na.
Wag kang umasa. Hindi ko rin alam.
…..
Sa dulo ng jeep ay iniabot ko ang aking bayad.
“Bayad po.”
Sa siyamang upuan ng jeep, ni isa walang lumingon.
“Makikisuyo po.”
*Katahimikan.*
Ilang sandali pa’y mangangawit na ang aking kamay na pilit iniaabot ang bayad. Nagmasid-masid sa paligid kung isa ba itong pakulo ng “wow mali” at may camerang nakatago sa loob ng jeep. Kaso wala. Nakakahiya. O ako ba ang dapat na mahiya? Tuluyan na nga yatang naibaon sa mga aklat pang grade 1 ang salitang bayanihan.
Hindi ko ninanais na mag 1-2-3. Hindi ko ipagpapalit ang pagkatao ko sa halagang labimpitong piso kaya nakisiksik ako’t pinilit na binagtas ang kahabaan ng jeep maiabot lang kay manong driver ang aking pamasahe.
Sinalubong ako ng mga tingin ng ibang mga pasahero. Tingin lang.
Hindi naman pala ako imbisibol. Buti naman.
…..
“Bakit kailangan ko itong gawin?”
Tanong sa aking sarili habang naglalakad patungo sa takdang tagpuan. Para sa kanila? Para sa sarili? Patuloy itong umikot sa aking isipan hanggang sa makarinig ako ng talbog ng bola.
Sa may di kalayua’y may naglalaro ng basketball. Hindi pala laro. Shooting lang. Walang pasabi’y nakisali ako sa kanya. Sa bawat rebound ng bola ay muling nabubuhay ang aking “inner Sakuragi”. Ilang sandali pa’y nagdatingan na ang mga kabataan. Lumapit ako sa may registration booth para magpakilala.
“Bakit ka
ilangan kong gawin ito?”
Muling tanong sa aking sarili.
…..
Parang kanta lang ng eraserheads yan. “Wag mo nang itanong”. Basta gagawin ko lang. Bakit ikaw? May ginagawa ka ba? Sali ka na lang kaya?
Janjan Werto - YSA Volunteer