top of page

SAMAHANG BASKETBOL SA ISLA NG ALABAT


Siya si Gabo, dalawang taong gulang. Isinama lang siya ng kaniyang tiyuhin sa free basketball clinic na isinagawa namin noong nakaraang taon. Habang nagbo-browse ako sa FB ay nakita kong muli ang larawan niya. Inalala ko tuloy, paano nga ba kami nagsimulang magbigay ng libreng basketball clinic sa mga batang mahilig sa basketball dito sa bayan ng Alabat?


Taong 2009 nang tumawid ako papunta sa isla ng Alabat, para manirahan kasama ang aking magiging asawa. Summer noon, panahon ng mga liga. Tulad sa ibang bayan, laging puno ang basketball court at may pustahan ang laro. At gaya rin sa ibang lugar, walang puwang ang mga batang maliliit para makapaglaro. Sabi ko sa sarili ko, tutulungan ko ang mga batang ito na magamit ang paglalaro ng basketball bilang pundasyon ng paglago nila bilang tao. Tutulungan ko silang mangarap.


Sa tulong ng mga bagong kaibigan tulad nina Samier Janjua at mag-asawang Carlo at Joy Suapero, bumuo kami ng samahan -- Samahang Basketbol sa Isla ng Alabat. Sa unang araw, ilang bata lang ang nagtiyagang sumali. At marahil dahil sa kwento ng mga naunang participants ay unti-unting dumami ang mga batang dumadating kahit pa maulan. Walang covered court sa aming bayan. Dahil dito, nakiusap kami sa pamunuan ng SLSU Alabat na makigamit ng isang classroom para makapagturo ng basic basketball.


Sa simula ng taon, 15 bata ang sumali sa aming free basketball clinic. Salamat sa mga tumulong sa amin na nagbigay ng pera at bola para maipamigay sa mga batang matiyagang nag-training. Sa ngayon, mahigit 50 na ang mga batang sumasali at sila pa ngayon ang pursigidong mag-training. Nakatutuwa na pagi kang tatanungin, "Coach Toney may training po na?"


Toney Rabano - Magsasaka, Youth Sports Advocate (Basketball)

Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page